Wednesday, June 27, 2012
Pa-Utang Namo!
Wow! Ang yaman pala ng Pilipinas at nag-pledge si president Noynoy ng $1B loan sa IMF. Akalain mo un, madaming government agencies ang nangangailangan ng mas malaking budget pero mas pinili pa ni Noynoy na magpautang. Isnt't it IRONIC? Don't you think? A little too IRONIC. Yeah, I really do think!
Thinking mainly of profit na makukuha daw sa interest sa pautang, at siguro pasikat na din sa ibang bansa, Noynoy allegedly bypassed congress when he pledged to loan $1-billion to the IMF. Ang Pilipinas ngayon ay may utang na mahigit P5-trillion. So sa tingin mo, san galing ang $1B na ipapautang natin sa IMF? However, sabi dito (may link po), ayon sa BSP, ang Pilipinas daw ay may international reserves amounting to $76B, kung saan kukunin ang ipapautang. Pero since ito daw ay claimed/collected from non-residents, hindi ito pwede gamitin or ipahiram both sa Philippine public at private sectors. Ang mga reserves na ito ay magagamit daw lamang sa pag-obtain ng foreign-dominated assets issued by non-residents. May pera ang pinas pero may utang sya malaki kaya magpapautang na lang sya! Labo pre! Eh, pano?!
Eh, pano naman ang Pilipinas? Pano nman ang mga lugar na walang opsital, eskuwalahan at sapat na kagamitan para sa mga ito? Pano naman ang ibang barrio na wala man lang access sa malinis na tubig? Pano ang mga probinsyang walang matinong kalsada? Pano ang problema sa pabahay at basura? Kung kailangan ng Europe ng pera, di hamak naman na mas kailangan ito ng Pilipinas!
Sabi nila makakatulong din daw in the long run ang pagpapautang na ito dahil magiging stable ang economy ng Europa, at eventually, ang world economy. Makakapag-hire na daw ulit ng madaming OFW ang Europe which in turn means more profit para sa ating bansa thru remittance. Isa pa, pag um-ok na ang economy ng Europe, tataas na nman ang demand nila sa crudo na alam nating isa sa pinaka main problem sa bansa, which will also affect its supply, translating into higher prices. Law of supply and demand baga. Eh, bakit di na lang kasi gamitin ang perang ito for R&D at maka-imbento or discover ng alternative fuel or to build more schools and hospitals and businesses and small/micro businesses which would generate more jobs, ergo, no need to go abroad at mababantayan pa ng mga magulang ang kanilang pamilya at anak. Sus ginoo!
Di naman sa nagmamaramot, pero isipin mo na lang, kunwari ang pamilya mo ay may utang na 5 trillion pesos, tpos nakita mo kapitbahay mo nangangailangan. Nangungutang syo ng 1 billion dollars na halos kasing laki din ng utang mo. Pero ung isang anak mo, kailangan ng bagong sapatos at uniform pang eskwela, ung isa nasa ospital nagpapagamot, ung isa magbabayad ng tuition sa La Salle Greenhills, at ung asawa mo kailangan ng pera pang grocery at palengke para may makain kayo araw-araw. Sa tingin mo ba, uunahin mo pang pautangin ung kapitbahay mo kesa sa mga anak mo at sa pamilya mong nangangailangan din?
Yun lang. Chinkabawtit!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment