Friday, April 20, 2012

INET!!!


     Ang tindi na talaga ng init ngayon! Ibang klase sagad hanggang buto!

     Natatandaan ko pa nung bata pa ako, madalas kami naglalaro sa labas ng bahay ng mga "conyo" dabarkads ko, pero hindi naman ganito ka-init. Dati, pag summer break, mula umaga hanggang gabi ang laro sa kalye. Taguan, patintero, agawan base, palos, langit lupa, piko, jolens, at naabutan ko din ang barilan ng pellet gun (yung mga de-kasa lang..). Ngayon, subukan mo lumabas at maglaro, 5 minutes pa lang mahi-heatstroke ka na! Para bagang nasa oven toaster ka at unti-unting niluluto ng earth.

     Temperature ni Earth parang nilalagnat na eh. Ikaw ba naman abusuhin ng ganyan. Isipin mo na lang ikaw si Earth, at ang mga buhok mo sa ulo, ilong, at kili-kili (sama mo na ang bulbol mo sa buong katawan), ay mga puno. Bunutin mo yan isa-isa, di ba masakit? Isang buhok nga lang ang bunutin mo sa ilong mo, mangiyak-ngiyak ka na eh. Subukan mo pa sabay sabay!

     Lets say na ikaw pa din si Earth, tapos pa-usukan ka ng mga tao sa paligid mo. Bugahan ka ng usok galing sa sigarilyo, tambucho, factory, chimney (wow chimney!), pati na din utot! Di ba halos himatayin ka sa sobrang carbon monoxide or dioxide?! 

     JUICE KO!!! Asan na ang juice ko?! Damihan mo yung ice ha!! Ay, sorry kausap ko si yaya ko... Nagpatimpla kasi ako ng juice...

     Asan na ba tayo? Ah! Ako nandito pa din sa pwesto ko. Tinitingnan ang paligid. Sa dami ng sasakyang dumadaan, on and off ang traffic. Sa panahon ngayon, hindi na kaya ng electric fan ang init! Eh hinihigop lang nman nya yung hangin sa paligid tpos ibubuga sayo. Parang hinihipan ka din lang ng mga taong katabi mo! Nakakapang-init ng ulo!! Mabuti na lang at naimbento ang aircon. Pero kelan kaya maiimbento ang LIBRENG KURYENTE?!!!

     Pano, may aircon ka nga, ang mahal naman ng babayaran mong kuryente. Mabuti pa yung mga illegal settlers (skwaters/skH2O/skwamags/skwating/skwachics), yung iba jan kumpleto sa gamit. May aircon, LCD tv, laptop, desktop, washing machine, atbp. Di mo tuloy maiwasan mag-isip... Yung iba kasi sa kanila, libre din ang kuryente. Illegal settlers with illegal connections. Yan ang pinakamalaking source ng loss na sinasabi ng Meralco. At dahil responsible ang Meralco sa kanyang mga stockholders, ito naman ay buong puso nilang sinisingil sa kanilang legitimate paying customers. Ang saya noh?! BUSET!!!

     Nonsense?! NONSENSE UR FACE!!!


For your negative comments and violent reactions login to: 

www.pakyu.com


5 comments:

  1. This is one of the best blogs in America! Ever!!

    ReplyDelete
  2. Erns ika nga ni mader HenryApril 20, 2012 at 9:19 PM

    Ibang klase tong blog na to! Ang galing! Biruin mo pati si Randy at Jennifer(first name basis, feeling close) natutong magbasa ng tagalog. I'm a fans now, in other words, ako'y electric fans. Ang INET ng title diba!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tomoh grabe! Im a fans too!! Basahin mo din ung naunang 3... Galing talaga!!! Teka, maglilinis muna ko ng bahay... May naaamoy akong patay na daga eh...

      Delete