Thursday, April 26, 2012

Sonny Boy!


At the beach with my cousins back in 1988, I remember we dug a hole and placed a layer of newspaper then covered it with sand just enough to hide the newspaper but still hold the weight of the sand. Then we waited quietly for unsuspecting people to fall for our trap. 

We did this a couple of times, trapped our uncles and aunts and some of their friends. Heard a few curses that kids like us shouldn't hear during that time. Got a few sermons from our parents(but we knew deep down they were also laughing their hearts out!). Nevertheless, we were young and stupid so we did it again(just like Britney!). But there is this one victim that would stick to my mind up to now. The lady looking for "Sonny Boy".

So there we were, waiting silently behind one of the beachfront kubo(the kawayan table and kawayan bench on both sides with a nipa-hut type roofing). I'm not sure as to whether it was early morning or just before the sunset, but we were hoping someone would walk into our trap soon coz we were getting bored. Then, we heard someone yelling, "Sonny Boy! Sonny Boy!" There's this lady(I think she was looking for her kid or probably her drunk husband), walking towards us, straight to our trap. We waited anxiously as she was getting closer and closer. 

"Sonny Boy! Sonny Boooy!", she yelled. We were all a bit gigglish(not a real word but you know what i mean), but we pretended to be talking about something else. Playing innocent(we were good at it). She was getting closer and closer while continuously looking for her precious Sonny Boy and screaming his name out loud. Then with one last scream, "Sonny...." (SHOOT)! The inevitable happened. I don't remember hearing her words after that coz I was really amazed and shocked and scared and panicky to the point of bursting into a real LOL!

I have no recollection whatsoever about the aftermath of our prank or what became of Sonny Boy. Maybe I was still too light-headed and celebrating our success in prankland. It was just that particular scene that stuck to me.

So whoever, that lady was if you can read this, I apologize. Sorry for being young and stupid. The way I presented the story probably doesn't sound remorseful but its just how I remember it.

To the kids out there, I don't encourage you to try this prank. People have changed since then. You might end up defending your ass in court or worse, with a bullet through your brain.

Think before you dig!

Tuesday, April 24, 2012

Ang Sa'kin Lang (Aking Dalawang Centimos)


Ang sakin lang eh....

Minsan OA na ang ibang groups/organizations. Hindi mo alam kung para sa publicity lang ba o papansin lang talaga. Although may mga times din naman na pasok ang  mga reaction nila, meron din times na over na talaga.

Tulad na lang ng isang organization, may nakita lang na video tungkol sa mga matulungin na aso na naghihila ng kariton ng kanilang amo, reak agad na against animal rights daw. Oo, nung mga naunang reports, saludo ako sa kanila dahil mali naman talaga na isako ung aso o baboy at isabit sa likod ng sasakyan. Pero this time, kitang kita nman na healthy yung mga aso at masaya sila gawin yung pinapagawa ng amo nila. The dogs don't even look stressed or deprived, mukha pa ngang well-fed at alagang-alaga sila ng kanilang amo. Nawili lang ata at gusto parati kasama sa balita. Publicity, papansin, or downright OA?! Teka, "pause"(PAWS) muna..

Isa pa naman kilabot ang CHR when it comes to madaliang reaction. Kabalikat na ata ng lahat ng dispersals. Parang inaabangan na nga ng lahat na may isang pulis or official na ma-video na bumabatok or sumasapak sa mga nahuling militante/protesters/mob/criminal sabay sisigaw ng FOUL! Parang referee lang. Ganun na nga, gaya ng mga referees, may mga good calls, at meron din naman mga bad calls.

Isipin mo na lang isa ka sa mga pulis, and you see a mob throwing huge stones at you, may threat na sa buhay mo and those around you. Ako mismo will not take this sitting down. Kung tamaan ako ng malaking bato sa mukha siguradong tigok ako! Eh ayoko pa mamatay, lalo sa ganong paraan! Kaya kesa maunahan ako, lalaban na lang ako. Pero sa bansa natin, lalo na at pulis ka at may media sa paligid mo, pag literal na binato ka ng malaking bato, umilag ka lang at wag lumaban. Kawawa din naman ang mga pulis, kasi pwede din nman sila mamatay pag tinamaan ng malaking bato sa mukha. Yang mga pulis, tao din naman yan. Hindi yan ROBOCOP!

Sobrang big deal kasi pag pulis ang nanakit or nakapatay ng criminal. Pero pag pulis na ang nasaktan or napatay, sasabihin parte ng trabaho yan. Totoo nga naman na very high-risk ang pagiging alagad ng batas, pero parte din nman ng buhay nya ang survival. Tapos sasabihin yung mga nahuli at natamaan ng mga pulis ay mga bystanders or usisero lang sila. May usisero bang tatayo sa gitna ng labanan at may hawak pang bato o bote?! Siguro nga. Usi-nginang yan!

Siguro its about time na palitan ang Rules of Engagement ng PNP when it comes to over-aggressive protesters dahil pati ang buhay ng mga pulis at mga innocent civilians are at risk. Iba na kasi ang mga mob ngayon kadalasan wala na din sa lugar. Minsan kung sino pa ang mali, sila pa ang may ganang magalit at ipapasa ang sisi sa iba. Its a win-win situation talaga for the mob.


Sunday, April 22, 2012

LAWko LAWko!


     KaLAWkohan!

     Sa dinami-dami ng tao sa mundo na may iba't-ibang klaseng utak o pag-iisip, hindi maiiwasang magkaroon ng mga kauululan at kalokohan na sa mata ng iba, maaring maging katatawanan at sa iba naman ay somewhat offensive.

     Kung sa kaululan din lang, hindi papahuli ang mga mambabatas. Ang dami naman pala kasing nakaka-aliw na LAW sa buong mundo. Parang mga usapang lasing lang nung ginawa ang mga batas na to! Tulad ng mga sumusunod.

     Chekitawt!!!

  • Sa London, It is illegal to die in the House of Parliament.  
           -- Pano kung hindi mo sinasadya? Pano kung biglaan lang? Pwede ba i-postpone un??
                    Man1: "Mamamatay na ata ako!"
                    Man2: "Wag d2 pre! Pwede ba dun na lang sa labas?"

  • Sa UK, It is LAWFUL to kill a Scotsman in York if he is carrying a bow and arrow.
           -- At least may chance syang lumaban.
                    Man1: "Excuse me sir, ang ganda nman ng bow and arrow mo! Scotsman ka ba?"
                    Scotsman: "Uy tenks ah! OO Scotsman ako!"
                    (gunshots follow)

  • Sa UK pa din, You can shoot a Welsh person with a bow and arrow in Chester, inside the city walls and after midnight. 
           -- Eto siguro yung kaaway nung Scotsman sa York...
                    Scotsman: "Psst, pogi! Madaling araw na ah, anong ginagawa mo d2? 
                                     Taga Wales ka ba?"
                    Welsh: "Ah nagmamadali kasi ako eh.. Yup taga Wales ako! Ikaw ba?"
                    pichuk! pichuk! (sound effect ng bow and arrow)


  • UK ulit, It is illegal for taxi drivers to carry rabid dogs or corpses.
           -- Ahhh... Ehhhh.... Ansabe??
                    Pulis: "Hoy! Alam mo bang bawal magdala ng bangkay at asong ulul?!"
                    Taxi Drayber: "Grrrrrrrr! Woof woof!! Grrrrrrr!!"
                    Corpse: "Braaaaaaaiiin!"

  •  Eto pa, Any whale washed up on the shore is the property of the Queen.
           -- Eh di iyo na!! Ikaw na maging Armida Siguion-Reyna!!
                    Alagad: "Your Majesty, eto na po yung whale na napadpad jan sa shore.."
                    Queen: "Ay tamang-tama, dalin mo dun sa kitchen sabihin mo i-relyeno!"

  • Meron pa, It is legal for a male to urinate in public, as long as it is on the rear wheel of his motor vehicle and his right hand is on the vehicle.
           -- So kailangan may tamang pose pa? Papa-picture lang??
                    Pulis: "Hoy! Jan mo lang itutok yan sa likod na gulong! Hep, hep, hep! 
                             Yung RIGHT HAND mo ipatong mo lang sa kotse mo! Yan! Okey... 
                             Hold that position... Ok, 1-2-3... say cheese!!"

  • In London it is illegal to hail a taxi while suffering from bubonic plague. 
           -- Pag bubonic ka, bawal mag taxi. Bus ka na lang para mas maraming mahawa sayo...
                    Bubonic: "Taxi! Taxi!"
                    Taxi Drayber: "Grrrrrr! Woof woof! Grrrrrrr!"
                    Bubonic: "Ay may sakay palang bangkay at asong ulul.."
                    Pulis: "Hoy! Bubonic ka ha! Bakit ka pumara ng taxi?! Sa presinto ka na 
                              magpaliwanag!"

  • Hayup to! Sa UK na naman, It is illegal for any commoner's pet to have carnal knowledge of an animal belonging to the monarch. 
           -- Una, pano mo mapipigilan ang ka-erbogan ng alaga mong aso? 
              Pangalawa, pano nila malalaman na minamanyak ng aso mo ang aso nila??
                     Commoner's dog#1: "Pare, nakikita mo ba yang chix na yan! Ang ganda ng 
                                                  pagkakulubot nya.. Bagay na bagay kame! Yum yum yum!"
                     Commoner's dog#2: "Tanga! Yan ung queen!!"


  • Sa Singapore, It is illegal to walk around in your own house naked. 
           -- Kung mag-isa ka lang sa bahay, sino magsusumbong sayo?
                     Ikaw: "Wala nman ibang tao sa bahay, maghubad na nga lang ako.."
                     Ikaw#2: "Hoy bawal yan! Isusumbong kita sa pulis!"
                     Ikaw: "Wag! Please, maawa ka satin.."
                     Ikaw#2: "Sorry naka-decide na ko.."

  • In Bozeman, Montana, a law prohibits all sexual activity from the front yard of a home after sundown. 
           -- Oo nga nman. Madilim na kasi, mahirap na sila mamboso. Gawin mo na lang sa umaga!
                     Pulis: "O, ung mga may balak jan, gawin nyo na habang maliwanag pa!!"


  • In California it is illegal for a vehicle without a driver to exceed 60 miles per hour.
           -- Madami sigurong nakakulong na Autobots dito.
                    Optimus: "Autobots, dahan dahan lang ang andar.."
                    Megatron: "Habulin mo ko, Prime!!"
                    Optimus: "Ulul! Ayoko na ma-ticketan!"


  • In Alabama, it is illegal for a driver to be blindfolded while driving a vehicle.
           -- Ah talga? Bakit kaya??
                    Pulis: "Bakit kaya wala akong nahuhuling lumalabag sa batas na to?!"

  • In New York, the penalty for jumping off a building is: Death.
           -- Baka nman pwedeng pag-usapan na lang natin yan.. Pwede bang life imprisonment 
               na lang??
                     Man: (tumalon sa building....SPLAT!)
                     Pulis: "You are under arrest! Anything you say can or will be used against you 
                              in the court of law..."


  • Sa Washington, it is illegal to have sex with a virgin under any circumstances.
           -- So antayin na lang natin maging extinct ang mga taga-Washington!
                     Priest: "You  may now kiss the bride.. KISS lang ha!!"
                     Groom: "BUSET!"

  • In Samoa, it’s a crime to forget your own wife’s birthday.
           -- Pffft! Samoa amp!!
                    Wife: "Hon, magbakasyon nman tayo sa Samoa!! Please.."
                    Husband: "Birthday mo na naman ba?!"
                    Wife: "Wow! Natandaan mo Hon?"
                    Husband: "OO nman! Last year pinakulong mo ko dun eh!!



      Ayan! Kung sino man ang gumawa ng mga batas na to, siguro wala din magawa. Parang ako lang. BUSET!!

     Parang gusto ko tuloy mag-aral ng LAW.

     Sunday ngayon BLOGGERKADS! Mag-simba ka naman!


[source1] [source2] [source3] [source4]

Saturday, April 21, 2012

UFO!!!


     UFO!!! Hindi yung aliens from outer space or mga sci-fi movies. Totoo ito!!

     Siguro naman hindi lang ako ang naka-experience nito. Yung bigla ka na lang may nakikitang lumulutang lutang sa isang mata mo at pag sinusundan mo ng tingin, lumalayo naman. Pero pag bigla ka tumingin sa ibang direction, lalabas na nman sya! 

     Hindi ko alam kung may medical term dito, basta ang tawag ko sa kanila ay Unidentified Floating Objects or "eye floaters"!

     Saan ba nanggagaling itong microscopic organisms na ito na nakikita sa sarili mong mata pero pag iba ang tumitingin, wala nman. Parang visible lang siya when viewed from the inside. Iba-ibang shapes pa kung minsan pero madalas parang maliliit na putol na sinulid.

     May times na nagpapakita ito pag bagong gising (bukod sa muta..), habang nagda-drive, during swimming, pag tulala ka, pag sumasagot ng crossword or Sudoku sa cr, pag naglalaro ng draw something, habang nag-scuba diving, bungee jumping, white water rafting, parasailing, wind surfing, horse back riding sa hacienda ng "conyo" friend mo, habang nagbi-bingo, tongits, pusoy dos, poker, jackstone, jerjer, at kung minsan naman, wala lang! Parang nang-aasar lang.

     So habang sinusulat ko to, ginoogle ko only to find out na meron pala talagang EYE FLOATERS! At ayon kay Dr. Google, Eye floaters can range from the merely annoying to the visually disabling. 

     Whew! Hindi naman ganun ka-grabe ang nakita ko. Yung tamang pang-asar lang. Merely annoying nga lang daw. Pero bakit nga ba pag maliit madalas nakaka-irita?! Sabagay sabi nga ng matatanda, "Walang malaking nakakapuwing!". Sige, subukan mong kumuha ng hollow block at ipasok mo sa talukap ng mata mo! Kasya ba?? Hindi di ba?? Tanga lang?!!

Nonsense kung nonsense! Pwede na din! Hahaha!



For your negative comments and violent reactions login to: 

www.ukinamshet.com

Friday, April 20, 2012

INET!!!


     Ang tindi na talaga ng init ngayon! Ibang klase sagad hanggang buto!

     Natatandaan ko pa nung bata pa ako, madalas kami naglalaro sa labas ng bahay ng mga "conyo" dabarkads ko, pero hindi naman ganito ka-init. Dati, pag summer break, mula umaga hanggang gabi ang laro sa kalye. Taguan, patintero, agawan base, palos, langit lupa, piko, jolens, at naabutan ko din ang barilan ng pellet gun (yung mga de-kasa lang..). Ngayon, subukan mo lumabas at maglaro, 5 minutes pa lang mahi-heatstroke ka na! Para bagang nasa oven toaster ka at unti-unting niluluto ng earth.

     Temperature ni Earth parang nilalagnat na eh. Ikaw ba naman abusuhin ng ganyan. Isipin mo na lang ikaw si Earth, at ang mga buhok mo sa ulo, ilong, at kili-kili (sama mo na ang bulbol mo sa buong katawan), ay mga puno. Bunutin mo yan isa-isa, di ba masakit? Isang buhok nga lang ang bunutin mo sa ilong mo, mangiyak-ngiyak ka na eh. Subukan mo pa sabay sabay!

     Lets say na ikaw pa din si Earth, tapos pa-usukan ka ng mga tao sa paligid mo. Bugahan ka ng usok galing sa sigarilyo, tambucho, factory, chimney (wow chimney!), pati na din utot! Di ba halos himatayin ka sa sobrang carbon monoxide or dioxide?! 

     JUICE KO!!! Asan na ang juice ko?! Damihan mo yung ice ha!! Ay, sorry kausap ko si yaya ko... Nagpatimpla kasi ako ng juice...

     Asan na ba tayo? Ah! Ako nandito pa din sa pwesto ko. Tinitingnan ang paligid. Sa dami ng sasakyang dumadaan, on and off ang traffic. Sa panahon ngayon, hindi na kaya ng electric fan ang init! Eh hinihigop lang nman nya yung hangin sa paligid tpos ibubuga sayo. Parang hinihipan ka din lang ng mga taong katabi mo! Nakakapang-init ng ulo!! Mabuti na lang at naimbento ang aircon. Pero kelan kaya maiimbento ang LIBRENG KURYENTE?!!!

     Pano, may aircon ka nga, ang mahal naman ng babayaran mong kuryente. Mabuti pa yung mga illegal settlers (skwaters/skH2O/skwamags/skwating/skwachics), yung iba jan kumpleto sa gamit. May aircon, LCD tv, laptop, desktop, washing machine, atbp. Di mo tuloy maiwasan mag-isip... Yung iba kasi sa kanila, libre din ang kuryente. Illegal settlers with illegal connections. Yan ang pinakamalaking source ng loss na sinasabi ng Meralco. At dahil responsible ang Meralco sa kanyang mga stockholders, ito naman ay buong puso nilang sinisingil sa kanilang legitimate paying customers. Ang saya noh?! BUSET!!!

     Nonsense?! NONSENSE UR FACE!!!


For your negative comments and violent reactions login to: 

www.pakyu.com


Thursday, April 19, 2012

Uncommon Sense!!!


     Bukod siguro sa 5 senses natin (sight, touch, taste, smell, at hearing), isa ito sa pinaka-importanteng katangian ng mga tao na dahilan na din kung bakit tayo naiiba sa mga hayop sa mundo, ang COMMON SENSE.

     Kaya nga tawag dito ay common eh, kasi ordinary at familiar. Kumbaga alam na ng nakararaming tao. Pero bakit nga ba madami pa din ang hindi ginagamit o nakakalimutan gamitin ang importanteng "sense" na ito? Katangahan lang ba talaga ang dahilan? Or maling pamamaraan ng pagsagot sa mga hiling at katanungan??

     Siguro naman marami na ang nakapanood ng scripts ng mga stand-up comedians particularly si Vice Ganda. Isa sa mga paborito ko is yung sa department store yung nagtanong sya sa isang sales lady:

          Vice: "Miss, may sizes kayo nito?"

          SL: "Para sa inyo po?"

          Vice(pilosopo): "Hindi! Para sayo. Bibilhan kasi kita eh! Ano ngang size mo??"
 

     O di kaya yung sa jeep and/or any PUV...

          Vice: "Para po."

          Drayber: "May bababa?"

          Vice(pilosopo agen): "Ay, wala! May sasakay. Kaya nga para eh..."


     Natural na lang siguro na magkadikit ang common sense at sense of humor. Kasi pag walang common sense ang kausap mo, madalas nasusundan ito ng katatawanan(except na lang siguro kung sobrang tatanga-tanga na..)! Kasi nung pinapanood ko yun, tawang-tawa talaga ako. Wala lang. Sinasabi ko lang na tawang-tawa ako, bakit?! Pake mo?!! Hahaha!! Pero di ko sukat akalain na ma-experience ito personally, pero sa ibang setting naman.

     Nasa isang coffe shop kami noon ng mga "conyo" friends ko at nagkataon na yung nagserve sa table namin is trainee pa lang ("lang" is not meant as a derogatory term, but only to imply that the guy is a newbie....kala nyo ha!). So anyway, we were about to leave kaya I asked for the bill.

          Ako: "Boss(usual tawag sa waiter or server...minsan pwede din daw Dyords 
                    ayon kay Uncle Jojo..) bill out na.(kasama ung hand gesture na nagfo-form
                    ng maliit na rectangle)" 

     At nagulat ako sa sagot ng waiter.

          Waiter: "Bill nyo po?"

          Ako(napaka-pilosopo!): "Hindi! Bill nilang lahat. Paki kuha mo na yung bill ng 
                    ibang table, ako na magbabayad!"

     But of course lahat ng yun ay sinabi ko lang pagka-alis nung waiter. Syempre ayoko naman maka-offend ng tao lalo na nagta-trabaho sya ng marangal. Pero hindi ko matiis na matawa pag alis nya. Well at least hindi nya nalalaman at wala syang kamalay-malay! Haha! Feeling ko tuloy isa akong badinggerzi sa comedy bar! WAPAK!!


     Nonsene na naman?! Buset ka pangatlo na to ah! Wag ka na nga lang mangielam nakikibasa ka na nga lang eh.. Hehehe...


For your negative comments and violent reactions login to: 

www.pukinanginamotalagangpakielamerokamabutipangbasahinmonalangatwagkanamagreklamodahiltuladngsinabikonakikibasakanangalangehisilidkayakitasadrumtapossunuginatsementohankitatingnannatinkungmakasagapkapangwifi.com

 Eto nga pala si Uncle Jojo...

Wednesday, April 18, 2012

Sio Sio


     Hay Buhay! Parang Life! Bakit kaya pag ikaw (ako!) ang nagkakasakit, ok lang at kung minsan kinatutuwa mo pa dahil magagamit mo (ko!) ang SLs or kung minsan, pati VLs mo. May mga pagkakataon pa nga na iniisip mo lang na may sakit ka at nagpapanggap na may sakit para makasama ka sa gimik ng dabarkads or maka-attend ka ng pa-morningan na bday party inuman ng bespren mo. Todo sa acting when you call in sick, pwede pang Oscar awards! Kung um-acting, WAGAS! At one point in your life siguro nman nasubukan mo gawin ito probably sa school or at work or kung ano man ang nais mong iwasan puntahan.

     "GUILTYYYY!!!", ika nga ni Peter Griffin ng Family Guy. Nagawa ko na lahat ng yan.

     I remember, nung elementary pa ko sa isang napakagandang exclusive school sa Ortigas kung saan napaka-tatalino at gentelmen and, not to mention down-to-earth ang mga estudyante, pag tinatamad ako pumasok andyan na ung nag ubo-ubohan ka, tae-taehan, suka-sukahan in short, sakit-sakitan! At ang mga parents ko naman willing magpa-uto. Hindi ko alam kung worried talaga sila na may sakit ako or pinababayaan na lang nila ako mag-inarte. Nasa isip ko lang noon, "Yes, nakaisa na nman ako!" or "Wohoo! Mapapanood ko na nman ang Valiente at Agila!". At within the duration of that day, todo alaga naman sila ermom at tatawag pa si erdad just to check up on me. I really didn't get it until now.

     Ngyon na may anak na din ako at sariling pamilya, iba pala talaga pag nakita mong may sakit ang anak mo. Kahit pa sakit-sakitan lang yan, kahit papano concerned ka at hindi maiwasang mag-alala. Lalo na pag kinuha mo na ang temperature nya sa thermometer (malamang sa thermometer!) at nakitang legit ang kanyang sakit (wow nag-rhyme!). Just seeing your kid feverish, resting on the bed or on the couch at hindi makapaglaro or hindi ka kinukulit, is really heartbreaking. Kung pwede lang i-absorb mo ang sakit nya para ikaw na lang ang mag-suffer instead of your kid, gagawin mo talaga. Mahirap kasi sa isang magulang ang makitang nahihirapan ang kanyang anak. Any parent would agree to that.

     Looking back, yung mga ginagawa ko noon, I think I would have responded the same way my parents did. Concerned at will do anything just to make everything better.

     Nonsense again?! Wala kang pakielam, blog ko to!! (Hehehe...)

For your negative comments and violent reactions login to: www.pukinanginamongpakielamerokasubukanmomagcommentngkagaguhanikukulongkitasaseptictankatdunkamaghanapngwifisignalmo.com

Tuesday, April 17, 2012

TOINK!

Ang Simula Ng Kaululan!

     Haha! Just created a blogger.com account kahit hindi ako marunong mag-blog!

     Sa wakas pwede na ko magpaka "feeling blogger".  Maipagmamalaki na ko ng mga magulang ko!  May maidadagdag nko sa resume ko.  May ipagmamayabang nko sa mga 'conyo' friends ko.  May license na ko to create/invent new terms which would eventually make it to the Merriam-Webster dictionary.  May dahilan na ko para mag-complain sa iba't-ibang establishments at tatakutin ko sila by saying, "blogger ako, and I'll write bad reviews about this place!".(joke lang po! ;p)

     Ano nga ba isinusulat sa isang blog? Para saan ba ang blog? Sino-sino nga ba ang may karapatang gumawa ng isang blog??

     Ang sagot : MA at PA! (MAlay ko at PAkielam ko!)

     Marami din kasi iba't-ibang klaseng blogs.  Meron about food and travel, hobbies, health, sports, social awareness, education and politics.  Pero I'm not an expert sa mga field na yan. Sa totoo lang, wala lang akong magawa ngayon (as if may ginagawa talaga ako!), I just chanced upon a blog of a certain "Ligaya", then nakita ko ung button na "bumuo ng blog" and the rest is history.  Lahat ng tao na may access sa internet ay maaaring mag-blog about any topic under the sun. Ang nakakatakot dito is, walang censorship dahil hindi nman hawak ng MTRCB ang internet kaya anyone can really write anything! Parang ako lang! Eto walang magawa kaya nag-blogger bloggeran.

     I have read a lot of articles from different bloggers pero I dont really follow any specific blogger kasi to be honest, katulad ng half the population ng Pilipinas, hindi ako mahilig magbasa.  Eh hindi ko nga alam kung may magbabasa ba ng blog kong ito. Well, kung meron man, salamat sa inyo! (inyo?! feeling maraming readers ha!)

     O sya mga BLOGGERKADS, sa susunod na lang ulit! Nag-eedit pko eh. (Naks! Ume-edit na!!!)

     Tsai chien!