Tuesday, May 10, 2016

Who's Blaming Leni?!

No one is blaming Leni. Leni is obviously a genuine and decent person. The blame goes to Mar and Noy for dragging her into this. The Robredos are a simple family. She didn't want to run but Noy and Mar persuaded her. Her daughters were reluctant too at first because they know how dirty politics is. If ever she wins, I just hope she rids herself of Noy's and LP's influence which can be very divisive.
Those who keep on blaming Marcos yet refuse to see Noynoy's fault, wake up. It's been 30+ years. Should we blame you for the sins your father and grandfather did? Yes it's easier said than done but we have to move on from that era. If you will use the same logic in all the World Wars and civil wars, coups, we will still be at war against Spain, Japan, USA etc. These countries have murdered and raped thousands if not millions of Filipinos but we have forgiven them and we have already moved on. We have rebuilt our relationships with our former oppressors and it has been favorable. We have a rich and colorful history and our past is part of who we are but we should not dwell in it. We should learn from it but we shouldn't be vengeful. We cannot achieve true unity if we are vindictive. It's never healthy to hold a grudge on someone, especially for something you didn't experience personally.
Bongbong has proven himself to be an effective leader. He pushed for the construction of the windmills in Ilocos which provides up to 70% of the northern grid's power and cut down the cost of electricity in the region. We gave an inexperienced son of Cory an opportunity to lead, why not give an experienced leader the chance to prove/redeem himself?
#NaisipKoLang #GodBlessThePhilippines

Friday, February 26, 2016

"Democrazy?"

Isa akong Martial Law baby. Nasa EDSA din ako tatlumpung taon na nakaraan kasama ang aking pamilya. Bata pa ako noon at siguro di ko lubos nauunawan kung ano ang ginagawa namin sa isang kalyeng punong puno ng mga tao. Basta pakiramdam ko isa itong malaking selebrasyon, sayawan at kantahan.


Makalipas ang ilang taon, pag tapak ko sa paaralan, tinatalakay ng mga guro ng kasaysayan kung paano napabagsak ang diktatorya at ang rehimeng Marcos. Kung gaano natatakot ang mga tao noong panahon ng Martial Law. Ngunit hindi ko ito maugnay sa sarili kong karanasan siguro dahil hindi ko nakita ang takot na ito sa aking mga magulang. Maaaring ayaw lang nila kami mag-alala o dahil na din sa aking kamusmusan kaya hindi ko ito napapansin. Basta ang paulit-ulit ko lang naririnig kapag Pebrero 25 ay ang salitang “democracy”.

Ano nga ba ang “democracy”?

Ito  ay isang uri ng gobyerno o lipunan kung saan pantay pantay ang karapatan ng bawat mamamayan, at ang patakran ng karamihan ang siyang nangingibabaw. At totoo naman, bawat eleksyon nagkakaron tayo ng pagkakataong bumoto at ang nakakuha ng pinakamataas na bilang ay siyang tatayong pinuno. Tunay nga at inihahambing ang demokrasya sa kalayaan sapagkat sa isang demokrasya, malaya ang tao pumili. Malaya din mamuhay ng wasto sa ilalim ng batas.

Tatlumpung taon na nakalipas, may pagbabago ba? Isang kapansin pansin ay ang pagkakaroon ng “freedom of speech”. Kung noon ay hindi ka makapagsalita laban sa gobyerno, ngayon kahit anong lait mo hindi ka nila maaaring damputin basta basta. Ngunit ito lang ba ang dahilan ng pagtitipon sa EDSA? Hindi ba’t demokrasya at kalayaan sa kurap na diktaturya ang sinisigaw noon? At ngayon nasa atin na ang demokrasya at malaya na din tayong mamuhay, ano na ang nangyari? Tila nalasing na tayo sa sobrang demokrasya na nakalimutan natin na may batas at konstitusyon tayong dapat sinusunod. Nakalimutan natin na lahat ng sobra ay nakakasama.

At dahil sa kalasingan sa kalayaan, ang mga tao ay gagawin na lang kung ano ang kanilang nais. Dahil sa sobrang demokrasya, may kalayaan ang mga kurap na pulitiko na magnakaw sa gobyerno. May kalayaan na ang mga hacienderos at oligarcos na hindi tuparin ang naging kasunduan. May kalayaan na tumira sa mga kalye at kung saan saan ang mga informal settlers. May kalayaan magnakaw, holdap, rape, at pumatay ang mga kriminal. May kalayaan na umihi, dumura, at magtapon ng basura kung saan saan ang mga tao. May kalayaan magcounterflow at pumarada kahit saan ang mga may sasakyan. May karapatan tumawid kung saan saan ang mga pedestrian. Nakuha na natin ang kalayaan, nawala naman sa atin ang disiplina.


Kung hindi natin maibalik ang disilplina at maitanim ito sa utak ng bawat mamamayan, balewala ang pagiging malaya. Balewala ang pagkakaroon ng demokrasya sapagkat ang disiplina ang maguudyok sa atin na sumunod sa batas.